COTABATO CITY - BOLUNTARYONG sumuko ngayong hapon sa PNP at kay Coabato City Mayor Bruce Matabalao ang suspek sa pagpatay sa isang NDU student na si Michael Jan Mangulamas.
Ang suspek ay si Mohaimen Adzal, 31-anyos na taga Layug, Pagalungan, Maguindanao del Sur.
Base sa ibinahaging impormasyon ng suspek, hindi niya umano alam ang dahilan kung bakit niya nabaril si Mangulamas gamit ang caliber .45 pistol.
Naka-jacket, face mask at bull cap si Adzal nang iharap ni Matabalao sa local media kanina.