Sitwasyon sa unang araw ng pasukan sa Cotabato City Central Pilot School.
Libo-libung mga mag-aaral na ang pumasok ngayong araw.
Bakas sa kanilang mukha ang saya at galak sa muling pagbabalik eskwela.
Maging ang mga magulang ay maagang inihatid ang kanilang mga anak at maging sila ay excited din sa muling pagbabalik eskwela ng kanilang mga anak.
Paalala naman sa mga hindi pa nakapag-enroll, hanggang bukas nalang ang ibinigay na deadline dahil magsisimula na ngayong araw ang first lesson ng mga learners para makumpleto ang kabuu-ang school year.