Anim arestado matapos salakayin ng PDEA ang drug den sa Purok Waling-waling, Mother Barangay Bagua Cotabato City.
KINILALA ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-BARMM ang mga nadakip na suspek na si Akmad Tigyok, Sahid Kudarat, Jennifer Ali, Esrapil Dading, Nasser Lumabao, Datu Abdulasiz Ali habang nakatakas naman si alyas Mentiok.
Sa report ng PDEA, abot sa P40,800 na halaga ng shabu ang nasamsam mula sa mga suspek.
Kabilang sa nakumpiska mula sa mga suspek ang marked money na ginamit sa operasyon at iba pang non-drug items.