Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama Guimba, 23-anyos.
Sila ay taga Bulalo, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Naaresto ang dalawa sa buy-bust operation ng Datu Odin Sinsuat Police kasama ang Cotabato City Police Station 3.
Ayon kay Datu Odin Sinsuat Police Chief Lieutenant Colonel Sahibon Mamantal, naharang ang dalawa sa Diversion road, Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nakuha mula sa kanila ang isang jumbo size of suspected shabu na may kabuuang halaga na P340,000.
Maliban sa shabu, narekober din ang ilan sa mga drug paraphernalia tulad ng vivo mobile phone, xrm 125 fi motorcycle unit, plastic cellophane na may lamang napkin.
Nabawi rin ang perang ginamit sa operasyon bilang buy-bust money.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang nasa likod ng mga iligal na kalakaran sa nasabing bayan.
Kulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.