PATAY ang 69 siyam na retired police matapos pagbabarilin sa Sitio Tandinhan, Brgy Kuden, Talitay, Maguindanao Del Norte madaling araw kahapon.
Kinilala ang biktima na si Mokamadali Sula Dondoy, Al-haj, na residente ng nabanggit na lugar.
Sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Talitay Police chief Captain Joel Albao na habang naghahanda ng morning prayer ang biktima ay bigla itong binaril ng hindi pa matukoy na salarin.
Nakuha sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng caliber 5.56mm.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP hinggil sa insidente.