CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Arestado ang dalawang snatchers matapos na madakip sa mas pinaigting na military checkpoint sa Brgy. Dumaguil, Norala, South Cotabato.
Kinilala ang mga supek na sina Asim Fahad Mamalinta, 20-anyos at Ramil Ali, 32-anyos, kapwa residente ng Salimsi, Buluan, Maguindanao del Sur. Nakumpiska naman ng pulisya mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang Cal .38 revolver, illegal na droga at tatlong cellphones.