KIDAPAWAN CITY - NASAWI na sa ospital ang isa sa mga biktima ng pamamaril sa Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato kaninang alas 12:30 ng tanghali.
Kinilala ang nasawi na si Ronnie Somelo ng Barangay Binoligan, Kidapawan City.
Habang sumailalim naman sa operasyon ang nagmaneho ng Toyota Hilux pick up truck na si Edwin Cartagena na taga Lanao, Kidapawan City.
Nabatid na tinambangan ng riding tandem suspects ang dalawa habang bumabiyahe mula Kidapawan-Datu Montawal route. Matapos ang pamamaril, bumangga ang Toyota Hi Lux sa pader.