COTABATO CITY - Mas marami ang gumaling kaysa mga bagong kaso ng coronavirus disease ang iniulat ng Department of health sa Region 12 hanggang kagabi.
Sa ngayun, umabot na sa 3,463 ang kabuuang bilang ng recovered patients sa rehiyon.
Ito’y matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 35 recoveries kahapon. Sa nabanggit na bilang, 18 ang mula sa South Cotabato, 8 Sarangani, 7 General Santos City at 2 North Cotabato.
Nasa 359 naman ang mga aktibong kaso. Samantala, 22 naman ang nadagdag sa bilang ng COVID-19 infections kaya’t umakyat na sa 3,965 ang total cases.