NDBC COVID 19 WATCH: 4 deaths, 39 new infections, 20 recoveries in Region 12
HEALTH • 20:30 PM Thu Jan 14, 2021
920
By:
NIGEL PAUL FLORA SUMANGHID/NDBC
COTABATO CITY - Apat ang nasawi dahil sa Covid-related diseases habang may 39 na panibagong kaso ang naitala ng Dept of Health sa Soccsksargen region.
May 20 mga pasyente naman ang gumaling.
Isa sa mga nasawi ay 65-year-old na lalaki mula Tulunan, North Cotabato habang ang tatlo ay lahat taga Gen. Santos City na nagkakaedad ng 50, 64 at 68-years-old.
Sa mga bagong kaso, 20 ang mula Gen. Santos City at sa 20 mga gumaling naman walo ang taga Gen. Santos Ctiy at anim ang taga Kidapawan City.