COTABATO CITY - Dean on arrival sa ospital ang ang isang lalaki makaraang tagain sa Barangay Nalilidan, Kalamansig, Sultan Kudarat kahapon.
Kinilala ni Kalamansig Police Station commander Major Randy Eliarda ang supek na si Joey Matiliano alyas Bebe, magsasaka at residente din ng nasabing lugar habang ang biktima ay si Ricky Basibas, 41 taong gulang, magsasaka at residente ng Sitio Kuboy, Brgy. Nalilidan, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Kalamansig PNP, na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa.