MAGUINDANAO - NAARESTADO NG MGA OTORIDAD ang isang drug suspect sa isinagawang buy bust operation kahapon sa bahagi ng Sitio Oman, Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ang suspect na si Amir Esmail Alim, 32 years old, at residente ng Purok 2, Barangay Kalanganan II, Cotabato City.
Ayon sa report ng Maguindanao PNP sa pangunguna ni Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng PDEG SOU BAR, RSOG PDEU BAR, at Sultan Kudarat PNP.