TACURONG CITY - Kandidato sa pagkabarangay kagawad ng Pandag, Maguindanao del Sur, patay sa pamamaril kahapon sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat.
Kinilala ng Pres. Quirino PNP sa pamumuno ni Maj. Davis Dulawan ang biktima na si Tayan Mamalinta, United Bangsamoro Justice Party (UBJP) chapter head sa Barangay Pandag, Pandag, Maguindanao Sur.
Naganap ang pamamaril sa national highway sa Pres. Quirino.
Ayon sa PNP, nagmamaneho ng kanyang motosiklo si Mamalinta nang maganap ang ambush kahapon ng hapon.