Thursday Sep, 28 2023 12:17:22 PM

Kandidato sa pagkabarangay kagawad ng Pandag, MagSur, pinatay sa Pres. Quirino, SK

NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 07:00 AM Wed Sep 13, 2023
409
By: 
DXMS
Ang biktimang si Tayan Mamalinta, lider ng UBJP sa Pandag makaraang siya ay ambusin sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat. contributed photo

TACURONG CITY - Kandidato sa pagkabarangay kagawad ng Pandag, Maguindanao del Sur, patay sa pamamaril kahapon sa Pres. Quirino, Sultan Kudarat.

Kinilala ng Pres. Quirino PNP sa pamumuno ni Maj. Davis Dulawan ang biktima na si Tayan Mamalinta, United Bangsamoro Justice Party (UBJP) chapter head sa Barangay Pandag, Pandag, Maguindanao Sur.

Naganap ang pamamaril sa national highway sa Pres. Quirino.

Ayon sa PNP, nagmamaneho ng kanyang motosiklo si Mamalinta nang maganap ang ambush kahapon ng hapon.

Si Mamalinta ay kumandidato sa pagkabarangay kagawad sa ilalim ng UBJP, ang political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF)

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...