Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur
Local News • 10:45 AM Mon May 20, 2024
336
By:
Bansalan PNP report
Photo from newsline.ph
KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang grandang kanyang pinaglalaruan kahapon.
Sinabi ni Bansalan municipal police station chief Major Francis P. Ramos na nakatanggap sila ng report na pinaglalaruan ng bata ang granada sa loob ng kanilang tahanan sa Purok Rambutan, BArangay Kinuskusan ala 1:30 ng hapon.
Ang granada ay isang "“high Explosive Incomplete Assembly MK2 Hand Grenade.”
Ayon kay Ramos, hindi alam ng bata na ang kanyang pinaglalaruan ay isang mapanganib na pampasabog.
Inaalam pa ng PNP kung saan nakuha ng bata ang granada na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Davao del Sur Provincial Explosive and Canine Unit.