BSKE sa Datu Odin Sinsuat, magiging maayos at mapayapa, ayon kay Brig. Gen. Pangcog
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao - Makakaboto ang lahat ng mga botante at walang mangyayaring failure of election sa Datu Odin Sinsuat, Maguidanao del Norte.
Ito ang tiniyak ni 601st Infantry Brigade commander Brig. Gen. Oriel Pangcog kasunod ng ginagawang walk for peace at covenant signing ng mga kandidato sa bayan.
Handang-handa na aniya ang militar, PNP, Navy at Marines na magbantay sa boung Datu Odin Sinsuat upang hindi matakot na lumabas at bomuto ang mga botante.
Dalawang araw bago ang eleksyon, inaasahang ikakalat na ang lahat ng pwersa ng militar sa bayan.
Layunin nito na panatilihin ang kaayusan at mapigilan ang balak na panggugulo ng mga supporters ng ilang kandidato sa barangay.
Samantala, tiniyak din Maguindanao del Norte Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Salman Sapal na magiging ligtas at mapayapa ang halalan sa probinsiya.
Aprubado na rin aniya ang dagdag na PNP personnel upang magbantay sa mga hotspot area, lalo na ang Datu Odin Sinsuat.