BARMM gets 150 augmentation cops from Davao region
NDBC BANTAY HALALAN 2023 • 16:00 PM Sun Oct 22, 2023
532
By:
DXMS NDBC
DAVAO CITY - Abot sa 150 mga pulis mula Police Regional Office 11 (PRO 11) o Davao Region ang idedeploy sa Bangsamoro Region bilang karagdagang pwersa ng security forces sa darating na halalan.
Pinangunahan ni PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Alden Delvo ang pre-deployment briefing at send-off ceremony kamakalawa sa Davao City.
Sa seremonya, pinaalalahan naman ni Delvo ang mga ito na gawing mabuti ang kanilang tungkulin at siguraduhing bantayan ang mga voting areas para sa mas maayos at payapang BSKE sa BARMM.