Malacanang pinilit daw ang BARMM mayors na suportahan ang UBJP, ayon kay Mayor Maglangit
COTABATO CITY - Ibinunyag ni Kapatagan Lanao del Sur Mayor Raida Bansil Maglangit na sila umano ay tinatakot ng hindi nito pinangalanang indibidwal na sila ay ipapa-audit sa Commission on Audit (COA) kapag hindi nila sinuportahan ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP na political party ng MILF.
Nangyari umano ito nang ipinatawag sila sa Malakanyang kamakailan upang makipagpulong kay P. Bongbong Marcos Jr.
Iginiit ni Maglangit na hindi sila patitinag sa naturang pananakot at sila ay lalaban.
Hinamon din Mayor Maglangit si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. na sila ay ipa-audit agad dahil hindi umano sila natatakot.
Ginawa ni Mayor Maglangit ang pahayag kasabay ng paglulunsad ng BARMM Grand Coalition o BGC sa bayan ng Bongao sa lalawigan ng Tawi-tawi.
Dinaluhan ito ng humigit kumulang 15,000 na mga miembro at taga-suporta ng alyansa.