Halos P100K na halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP MagSur
COTABATO CITY - Halos P100K halaga ng shabu, nakumpiska sa provincewide operation ng Maguindanao del Sur Police; Lalaking may kasong carnapping, naharang sa boundary ng Paglat, Maguindanao del Sur at President Quirino, Sultan Kudarat.
BASE ITO sa monthly accomplishment on anti-illegal drugs ng Maguindanao del Sur Police sa pangunguna ni Provincial Director Colonel Roel Sermese.
Mula June 1 to 28, nadakip ng PNP ang siyam katao na nakuhanan ng 13 grams ng shabu na nagkakahalaga ng halos P100,000.
Noong Mayo 2024, nakakumpiska rin ang Maguindanao del Sur Police ng abot sa P352,000 na halaga ng shabu.
Kaugnay rito, patuloy ang panawagan ng PNP sa lahat ng sangkot sa iligal na droga na magbago na upang hindi maaresto at makasuhan.
SAMANTALA, naharang sa boundary ng Paglat, Maguindanao del Sur at President Quirino, Sultan Kudarat ang carnapping suspect.
Kinilala ang nadakip na si Jason Palaguyan Mangabpil na residente ng Lutayan, Sultan Kudarat province.
Naaresto ito sa hot pursuit operation ng mga personnel ng President Quirino Municipal Police Station, at Paglat Police.
Ayon sa President Quirino Police, ang carnapping suspect na si Mangabpil sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Tantangan, South Cotabato.
Ang Honda na kanyang tinangay ay nakarehistro sa pangalan ng isang Crestina Guinto Dubria.
Hawak na ng PNP si Mangabpil at ang motor na kanyang tinangay.