Mas marami pa rin ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa Coronavirus Disease sa Soccsksargen Region.
Ayon sa talaan ng Department of Health hanggang kagabi, 54 ang mga pasyenteng tuluyan ng gumaling mula sa nakamamatay na sakit.
Sa 54 na pasyenteng gumaling, 23 ang taga Sarangani, 11 Cotabato City, 10 South Cotabato, 8 General Santos City at tig-iisa sa North Cotabato at Sultan kudarat.
Dahil dito umaabot na sa 3,833 ang total recoveries ng Covid 19 sa Rehiyon. Kahapon din, naitala ng DOH ang 28 panibagong coronavirus infection sa Rehiyon.