Wednesday May, 01 2024 01:33:26 PM

Isyu ng UniFAST, pinatitingnan ni P. Marcos, ayon kay Gov. Tamayo

Local News • 19:00 PM Sat May 20, 2023
930
By: 
DXOM- Radyo Bida Koronadal

Naramdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinaing ng mga estudyante.

Ito ang ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., matapos iparating sa pangulo ang pangamba ng maraming estudyante kung makapagpapatuloy pa sa pag-aaral.

Kasunod ito ng temporary suspension ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST.

Ayon kay Tamayo, positibo ang naging tugon ng pangulo sa isyu ng UniFAST.

Sa katunayan ayon sa gobernador pinatitingnan na nito ang mga scholarship programs sa mga State Universities and Colleges na walang pondo para masolusyunan.

Dagdag pa ni Tamayo kampante siyang mabawi ang suspension ng UniFAST dahil hinahanapan na ito ng budget ng Ehekutibo.

Nauna rito, humiling ng tulong ang Association of Higher Education Institutions o HEI sa kongreso para maresolba ang hindi umano pag-release ng pondo para sa UniFAST ng Commission on Higher education o CHED.

Ayon kay Association of Higher Education Institution Region 12 President Agapito Lubaton na siya ring national vice president ng nasabing grupo, abot sa higit sa P6 billion pesos ang kailangang bayaran ng CHED sa mga HEI na nagpatupad ng UniFAST sa buong bansa.

Dagdag pa ni Lubaton, sa region 12, abot pa sa higit may P1 billion pesos ang pondo sa UniFAST ang hindi pa nai-release ng CHED mula noong 2021.

Paliwanag ni Lubaton hiniling nila ang tulong ng mga mambabatas matapos balewalain umano ng CHED ang kanilang hinaing.

Dagdag pa nito, marami din sa kanilang mga kasama ang inuurong ang complain laban sa komisyon dahil sa takot matapos umanong pagbantaan na pag-initan at ipasara ang kanilang mga eskwelahan.

Ipinunto ni Lubaton na may pondo para sa UniFAST kaya lang sinuspinde ang pag-release nito dahil sa kawalan ng liquidation ng CHED.

Ang problema sa UNIFAST ay inaakyat na sa Committee on Higher and Technical Education na ng kongreso.

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...

Dahilan ng blackout sa Kidapawan City, bumagsak na puno

KIDAPAWAN CITY - COTELCO team has found the fault that triggered a blackout across the city - a huge centenial tree hit the 69kV line between...

Cotabato Light announces May 3 power service interruption

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption affecting Semba, D.O.S. on Friday, May 3, 2024,...