Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza
INDIGENOUS PEOPLES NEWS • 22:00 PM Tue Apr 30, 2024
565
By:
DXMS NDBC
MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur noong lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ni MP Mendoza na ang pag-atake at pagpatay kay Promboy sa pamamagitan ng isang ambush ay pag-atake sa buong tribu ng Teduray sa Maguindanao Sur.
Si Promboy ay Indigenous Peoples Mandatory Representative o IPMR sa Brgy Tuayan, Datu Hoffer Maguindanao.
Ito aniya ay hindi lang nagpapahirap sa mga IP leaders kundi naglalagay sa panganib sa kapayapaan at katahimikan sana ng rehiyon.
Hinamon ni Mendoza ang PNP at iba pang law enforcers ng bansa na tulungan silang matigil ang mga karahasan at mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima.