Wednesday Jun, 26 2024 01:42:39 PM

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

Mindanao Armed Conflict • 15:45 PM Thu May 16, 2024
840
By: 
6th ID news release

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units ng 57th Infantry (Masikap) Battalion sa Brgy. Salansang, Lebak, Sultan Kudarat.

Ayon kay Lt. Col. Guillermo Mabute Jr., ang pinuno ng 57IB nagkasa ng decisive military operations ang tropa ng pamahalaan matapos na makatanggap ng ulat mula sa sumbong ng mga sibilyan hinggil sa ginagawang pangingikil o ‘extortion activities’ ng mga teroristang komunista sa lugar.

Katuwang ng 57IB ang ilan pang mga units mula sa 37IB, 7IB at iba pang operatiba ng militar ng inilunsad ang decisive military operations laban sa sampung bilang ng mga komunistang terorista na nagresulta sa pagkaka-neutralisa ng dalawa nilang mga kasamahan sa Sitio Laman ng nasabing lugar, alas-5:43 ng umaga kanina (May 16, 2024).

Sinabi ni Brigadier General Michael A. Santos PA, ang Commander ng 603rd (Persuader) Brigade na mga miyembro ng executive committee ng Sub-Regional Command (SRC) - Daguma of Far South Mindanao Region (FSMR) ang mga naka-engkwentro ng tropa ng pamahalaan. “This only proves that the security landscape in the area is changing and we are able to sustain the momentum,” pahayag ni Brig. Gen. Santos.

Nasabat naman ng mga kasundaluhan ang mga kagamitang pandigma ng mga komunistang terorista na isang 5.56mm M16 rifle, isang Cal .45 pistol, isang Granada, mga magasin, mga bala, subersibong dokumento, mga personal na gamit at iba pang mga war materials.

Pinuri ni Major General Alex S. Rillera PA, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang mga units na pangunahing nagsagawa ng decisive military operations upang tuluyan ng malipol ang maliit na bilang ng mga natirang miyembro ng komunistang grupo sa Sultan Kudarat. “We will be relentless in our Decisive Military Operations in Sultan Kudarat and its nearby provinces to clear the area from the threats brought by the terrorist group. Aasahan ninyong patuloy ang aming gagawing mga combat operations upang matuntun ang kinaroroonan ng mga ito”, wika ni Maj. Gen. Rillera.

Gayunpaman panawagan ng Division Commander sa mga natitira pang kasapi ng teroristang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan upang ‘di nila sapitin ang sinapit ng kanilang dalawang mga kasamahan.

May be an image of campsite and text

May be an image of 1 person and text

May be an image of campsite, mosquito net, tree and text that says 'PILAN KAMPILIN ΚΑΚΑM ΑΡΑΑΝ SA KAPAYAPAA.N'

 

50 school administrators, students in Maguindanao provinces attend child protection orientation

COTABATO CITY  – Fifty school administrators and student leaders in Maguindanao provinces recently underwent a one-day orientation here on Child...

MNLF’s political party seeks Comelec's nod to engage in BARMM polls

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Monday asked for an accreditation from the Commission on Elections...

Bangsamoro coalition backs PBBM call for peaceful, orderly 2025 polls

MANILA – Leaders from the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) provinces expressed support for the call of President...

NDBC BIDA BALITA (June 25, 2024)

HEADLINES 1   DALAWANG TAONG gulang na bata sa Kidapawan, natuklaw ng cobra pero nakaligtas 2   PDRRMO Maguindanao Sur,...

Non-Muslim soldiers fixing dilapidated mosque, school building

COTABATO CITY - Army units led by non-Muslims and Moro stakeholders have fused ranks to rehabilitate an old dilapidated mosque and an adjoining...