Thursday May, 02 2024 09:17:35 AM

Sarangani cops recover guns, food supplies of NPAs in Maitum town

Mindanao Armed Conflict • 11:45 AM Fri Mar 3, 2023
806
By: 
DXMS RADYO BIDA

Nadiskubre ang iba’t ibang mga kagamitang pandigma ng Communist Terrorist Group mula sa Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region (FSMR) ang nadiskubre ng Sarangani PNP sa sa Sitio Balete, Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province nito lamang Marso 1, 2023.

Ayon kay Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, dakong 5:00 ng hapon nang nagsagawa ng Major Internal Security Operation na tinawag na Oplan Pinaghiusa ang Maitum Municipal Police Station, 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, 1st Saranggani Province Provincial Mobile Force Company, at Provincial Intelligence Unit.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkakarekober ng isang Cal. 9mm UZI sub-machine gun, isang cal. 5.56 revolver, dalawang yunit Cal. 22 revolver, dalawang yunit ng Cal. 357 revolver, siyam na yunit ng cal. 38 revolver, 15 bala ng cal. 38, 30 live ammunition ng cal. 5.56, at tatlong container na naglalaman ng bigas.

Dagdag pa ni PCol Olaivar Jr., matagumpay na nakumpiska ang mga naturang kagamitan sa tulong ng Project H.O.R.S.E. at sa ibinagay na impormasyon mula sa ating mamamayan matapos ang isinagawang KASIMABAYANAN Outreach Program sa naturang lugar.

Patuloy naman ang panawagan ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, sa mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at huwag sayangin ang kanilang buhay sa walang saysay at maling ideolohiya na ipinaglalaban.

May be an image of 4 people, people standing and body of water

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...

3 militiamen slain, 3 hurt in Lanao Sur ambush

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte  – Three militiamen were killed while three others were injured in an ambush by still unidentified gunmen in...

NDBC BIDA BALITA (May 1, 2024)

  HEADLINES 1   DOH 12 muling nanawagan sa publiko na magpabakuna sa pagtatapos ng World Immunization Week 2  ...

Pagpatay sa IP kagawad sa Datu Hoffer, MagSur, kinundina ni MP Froilyn Mendoza

MAHIGPIT NA KINUNDINA NI BARMM Member of Parliament Froilyn Mendoza ang pagpatay kay Barangay Kagawad Timuay Juanito Promboy ng Barangay Tuayan, Datu...