Friday May, 17 2024 10:14:04 AM

Dengue cases sa South Cotabato, bumaba

HEALTH • 17:00 PM Fri Jun 19, 2020
925
By: 
ROEL OSANO

 

KORONADAL CITY -  Tumalima sa “Operation Kulob” na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan para mapigilan ang pagdami ng dengue cases sa South Cotabato.

Ito ang panawagan sa mga mamamayan ni Provincial Mosquito Borne Disease Coordinator Jose Barroquillo.

Ayon kay Barroquillo kahit mas mababa ang kaso ng dengue ngayon sa South Cotabato kumpara noong nakaraang taon hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko.

Kaya hiling nito sa mga mamamayan maglaan ng kahit ilang minuto tuwing hapon para linisin o itaob ang anumang mga bagay na maaring pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Ayon kay Barroquillo ito kasi ang pinakamadali at epektibong pamamaraan para mapuksa ang mga dengue carrying mosquito.

Tiniyak ni Barroquillo na tuloy pa rin ang kanilang mga programa kontra dengue kahit ngayong mayroong pandemic sa COVID-19.

Sa katunayan ayon kay Barroquillo prayoridad ng kanilang misting operation laban sa dengue fever ang mga isolation facilties para sa mga returning OFW at locally stranded individuals.

Ayon kay Barroquillo nakapagtala sila ng mahigit 500 kaso ng dengue sa South Cotabato mula Enero hanggang June 15.

Pinakamarami na 97 sa mga ito, ayon kay Barroquillo, ay naitala sa bayan ng Tantangan, sumunod ang Polomolok na may 96, Banga na may 87 at Koronadal City na may 85 dengue cases.

Pinakamaraming biktima ayon kay Barroquillo ay mga nasa zero hanggang ten years old.

Nakapagtala din ng tig iisang kaso ng nasawi dahil sa dengue ang mga bayan ng Banga, Polomolok at T’boli.

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...