Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City
Local News • 22:30 PM Wed May 15, 2024
282
By:
DXMS NDBC
HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ng hapon kanina.
Kinilala ni Sultan Kudarat police chief Lt. Col. Esmail Madin ang suspek na si Guiamlod Angkolan Osama alyas Cosmi, nasa hustong gulang na taga Dalican, Datu Odin Sinsuat.
Naaresto ito matapos niyang mapagbentahan ng shabu ang isang police asset.
Narekober sa kanya ang shabu na nagkakahalaga ng P346,800, marked money na ginamit sa operasyon at iba pang non-drug evidence.
Kulong na ngayon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso.