Friday Jun, 09 2023 11:33:59 PM

UPDATE: 2 guro sa Pikit, pinagbabaril, isa patay, isa sugatan

Breaking News • 17:15 PM Fri May 26, 2023
313
By: 
NDBC NCA
Isa sa dalawang mga guro na binaril sa Pikit, North Cotabato (Photo mula kay Norlan Bamboo)

PIKIT, Cotabato - Pinagbabaril sa tapat ng paaralan sa Pikit, Cotabato ang dalawang public school teachers na ikinasawi ng isa bandang alas 11:30 ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Joel Reformado, 36-anyos, na elementary teacher sa Damalasak Elementary School, habang patuloy namang nagpapagamot sa ospital ang 37-year-old na kasamahan nitong si Elton John Lapined, na guro rin sa Mapagkaya Elementary School na parehong mga residente ng Poblacion sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pikit PNP na pauwi sa Poblacion ang dalawa sakay ng motor nang tambangan sa tapat ng Manaulanan Elementary School ng hindi patukoy na riding-in-tandem suspects.

Sa panayam ng Radyo BIDA kay Pikit PNP Chief Lt.Col. John Miridel Calinga, sinabi nitong may sinisilip na silang motibo at persons of interest sa pamamaril na hindi pa nila maaaring maihayag sa publiko dahil nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Inihayag din ng mga kaanak nitong wala namang nakaaway ang dalawa bago ang insidente.

Nagtamo ng gunshot wound sa ulo at sa iba't-ibang bahagi ng katawan si Reformado na siyang dahilan ng kaniyang agarang kamatayan, habang sumailalim naman sa operasyon sa isang ospital sa bayan si Lapined.

Siniguro naman ni Calinga na mabibigyan ng seguridad si Lapined na siyang primary witness sa insidente.

Nakuha sa crime scene ang 10 basyo ng bala ng caliber 45. mm at dalawang bala.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Pikit MPS sa mga suspek na agad tumakas patungong Ginatilan, Pikit matapos isagawa ang krimen.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...