Thursday Sep, 28 2023 06:38:03 PM

Undocumented red and white "Lauan" lumber seized at Kidapawan checkpoint.

Climate Change/Environment • 19:30 PM Sat Sep 10, 2022
482
By: 
DXND Radyo Bida

KIDAPAWAN CITY - May kabuuang 2,336 na pirasong Red at White Lauan lumber sakay ng dalawang sasakyan ang naharang ng DENR Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Matalam sa pamamagitan ng Monitoring and Enforcement Section nitong Huwebes, Setyembre 8 sa Methodist Checkpoint, National Highway, Kidapawan City.

Ang Kidapawan PNP at 39IB Philippine Army Taskforce ng Kidapawan ang nagma-man sa checkpoint nang maharang ang dalawang (2) sasakyang may kargang mga undocumented forest items.

Iba't ibang lumber dimension ng Red at White Lauan ang nakita sa mga sasakyan na may tinatayang market value na aabot sa 762,000 Pesos.

Galing umano sa Davao City ang mga suspek at ihahatid sana ang mga kahoy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinampahan na ng kaso ang dalawang suspek sa paglabag sa Executive No. 23 at Section 77 ng Presidential Decree 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.

Nasa kustodiya na ng CENRO Matalam ang mga nakumpiskang kahoy.

MILG infra programs intensified for LGUs to sustain peace, improve governance

COTABATO CITY  – The Ministry of the Interior and Local Governments of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MILG-BARMM) has...

MagNorte employees say they are regularly paid, ask they be spared

COTABATO CITY - The Provincial Employees Association of Maguindanao del Norte (PEA-MDN) has issued a statement denying claims by Basilan Rep. Mujiv...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...