UK at South African variant ng Covid-19, nakapasok na sa North Cotabato
Breaking News • 16:45 PM Tue Jun 1, 2021
641
By:
DXND radyo Bida
Kinumpirma ni Dra. Eva Rabaya, siyang IPHO Head na nakapasok na sa North Cotabato ang UK Variant at South African Variant ng COVID-19.
Sinabi ni Dra. Rabaya sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw,ang dalawang kaso ng UK Variant ay mula Midsayap habang ang South African variant ay mula naman sa Tulunan.
Sa ngayon ay inaantay pa ng IPHO ang official report mula sa Department of Health 12 hinggil sa nasabing mga variant na nakapasok na sa probinsya.