Tambunan river sa Talayan, Maguindanao, umapaw, ilang lugar binaha
TALAYAN, Maguindanao - WALANG KURYENTE, BINAHA PA.
Ito ang naranasan ng ilang lugar sa Maguindanao, kabilang ang Tambunan, Talayan, Maguindanao.
Umapaw hanggang sa national highway ang tubig sa Talayan matapos na umapaw ang tubig sa Tambunan bridge.
Ayon sa pahayag ni Eskak Usman, taga Barangay Tambunan, halos magdamag ang buhos ng ulan sa kanilang lugar at kaninang alas 3 ng madaling araw, habang sila ay naghahanda para magluto ay tumaas ang tubig at pumasok sa kanilang bahay.
Nakaranas din ng biglaang pagbaha sa mababang mga barangay ng Guindulungan, Maguindanao na malapit sa mga ilog.
Brwonout pa talaga kayat hirap ang mga mamamayang Moro na ngayon ay nag-pupuwasa.
Nakaranas din ng pagbaha sa ilang lugar sa Midsayap, North Cotabato at South Upi, Maguindanao, ayon sa report ni John Unson.