Suspect sa ambush sa Marines sa Lanao, naaresto ng PNP
COTABATO CITY - KULONG NA NGAYON ang isa sa mga suspek sa pamamaril sa tatlong kasapi ng 2nd Battalion Landing Team o MBLT-2 sa Picong, Lanao del Sur.
Ito mismo ang kinumpirma ni MBLT-2 Battalion Commander LTCOL Serge Ronquillo sa DXMS Radyo Bida. Kinilala ang suspek na si Jamal Balindong Pumbaya alyas Bolkia.
Malala na noong linggo ng gabi ay inambush ng mga armadong kalalakihan ang mga sundalong Marino habang sila ay sakay ng KM450 at nagpapatrolya.
Nagtamo ng tama ng bala sa paa ang mga biktima pero ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.
Sinabi ni MBLT-2 Civil Military Operations Commander Lieutenant Elica Honduna na naaresto ang suspek dahil sa joint law enforcement operation na kanilang isinagawa kasama ang Picong PNP.
Nasa tanggapan ng Picong MPS ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong frustrated murder.