Monday Nov, 28 2022 12:46:45 PM

Seguridad ng lahat, tiniyak ng Cotabato City PNP kasunod ng serye ng pamamaril

Peace and Order • 08:00 AM Wed Nov 23, 2022
110
By: 
DXMS RADYO BIDA
Cotabato City Police file photo

PINAWI ng Cotabato City Police ang pangamba ng publiko sa harap ng sunod-sunod na kaso ng pamamaril sa lungsod at tiniyak na ginagawa nito ang lahat ng paraan upang matiyak na ligtas ang bawat Cotabatenio.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Cotabato City Police Spokesperson Lt. Col. Carmelo Mungkas, sinabi nito na walang dapat ikabahala ang mga residente ng lungsod dahil laging nakahanda ng tropa ng PNP sa pagresponde sa anumang krimen.

Patunay aniya rito ay ang pagkasawi ng dalawang riding tandem suspects na namaril ng isang lalaki sa Sinsuat Avenue.

Sinabi ni Mungkas na dahil sa pagpapatrolya na ginawa ng PNP ay agad itong nakapagresponde at naharang ang mga riding tandem suspects na unang nagpaputok.

Sinabi ni Mungkas na posibleng sangkot din ang mga ito sa iba pang kaso ng barilan ng lungsod, bagay na patuloy ngayong bineberipika ng PNP.

Samantala, kaugnay nito hiniling ni Mungkas ang kooperasyon ng publiko lalo na sa pagbibigay ng impormasyon upang agad na maresolba ang mga kaso ng pamamaril sa lungsod.

 

Unknown to him, man sells carnapped motorbike to its owner

NABULAGA ANG DALAWANG mga suspek matapos na malamang ang pinagbentahan nila ng kanilang nakaw na motorsiklo ay ang mismong may-ari nito. Una nito...

P102,000 worth shabu seized from 3 drug den operators

COTABATO CITY – Anti-narcotics agents seized P102,000 worth of shabu from three operators of a clandestine drug den entrapped in Datu Odin Sinsuat,...

3 CAFGU slain, 2 others hurt in gun attack in Maguindanao del Norte

CAMP SIONGCO, Maguindanao  – Three militiamen were slain and two others were injured in a gun attack at about 1:20 a.m. Monday in Buldon,...

2 suspects in bus bombing killed in shootout

COTABATO CITY - The couple tagged in the November 6 bombing of a bus in Tacurong City who resisted arrest when policemen tried to arrest them...

Cotabato Light announces NGCP initiated power service interruption Nov. 27

What: NOTICE OF NGCP POWER INTERRUPTION When: Sunday, November 27, 2022 Time: 6:30 - 7:00 AM | 3:00 - 3:30 PM Affected areas: Whole Cotabato...