Pikit shooting:: Dalawang nakamotor pinagbabaril, mga biktima taga Kidapawan
Local News • 19:30 PM Sat Sep 17, 2022
454
By:
DXND Radyo Bida Kidapawan
Ayon sa inisyal na report ng PNP, sakay ng motorsiklo ang mga biktima papuntang Pigcawayan nang sabayan sila ng mga suspek sa daan at biglang pinagbabaril kagabi.
Nabangga pa umano sila sa display ng takal na gasolina buti at hindi na sila binaril ulit ng mga suspek.
Nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima na dinala na sa bahay pagamutan para magpagaling.
Sa inisyal naman na impormasyong nakuha ng Radyo BIDA kay Pikit PNP Chief PMajor Maxim Peralta, kinumpirma nito ang insidente na aniya isang attempted carnapping.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.
Abangan ang dagdag na detalye sa pagkakakilanlan ng mga biktima.