Wednesday Oct, 28 2020 04:58:21 AM

Patong patong na kaso, kinakaharap ng GenSan ex-councilor at 70 iba matapos salakayin ang ancestral land sa Tboli

INDIGENOUS PEOPLES NEWS • 15:00 PM Tue Jul 7, 2020
529
By: 
ROEL OSANO
Photos courtesy of South Cotabato PNP

T'BOLI, South Cotabato- Inihahanda na ng pulisiya ang kasong kriminal sa 75 katao kabilang ang isang dating General Santos City Councilor na kanilang naaresto sa T’boli, South Cotabato.

Ayon kay T’boli Acting Chief of Police Major Irish Hezron Parangan, ang mga ito ay suspek sa pagsira sa 20 mga kubo na pag-aari ng pamilya Palon sa Sitio Pagang, Barangay Basag sa nasabing bayan.

Kinumpirma ni Parangan na sugatan sa insidente na naganap madaling araw noong Linggo ang tatlo katao matapos tamaan ng bala ng di pa tukoy na armas.

Ang mga ito ay sina Junjun Daroy, 21 years old, binata nakatira sa nasabing Sitio, Dodoy Camingan na may tama ng bala sa tiyan at Gerome Pilacion na tinamaan naman sa kanyang paa na pawang mga taga General Santos City.

Sinabi ni Parangan na nang mapahupa ng mga pulis ang kaguluhan narekober nila sa lugar ang M16 rifle, carbine30 caliber, improvised M203, at 9mm na baril.

Ipinahayag ni Parangan na ang mga suspek ang umanoy nagpapakilala na may-ari ng lupang pag-aari umano ng mga Palon.

Karamihan sa mga naarestong suspek ay pawang mga nakatira sa Barangay Labangal, General Santos City habang ang iba naman sa kanila ay mga taga Barangay Basag mismo sa T’boli.

Dinagdag din ni Parangan na ang mga inaresto sa follow up operation ng mga pulis ay ni-recruit umano at binayaran ni dating General Santos City Councilor Minda Atendido.

Si Atendido ay kabilang din sa mga naaresto ng mga pulis.

Umapela naman si Parangan sa magkabilang panig na ayusin sa mapayapang paraan ang awayan ng mga ito sa lupa.

Cotabato City heightens security after grenade blast

COTABATO CITY – The city police office has set up additional checkpoints and deployed more policemen on the streets following a grenade...

Kidapawan LSI dies inside isolation facility

KIDAPAWAN CITY - A Locally Stranded Individual (LSI) has died while under observation at an isolation facility in one of the barangays here...

NDBC BIDA BALITA (Oct. 26, 2020)

HEADLINES: 1. DOH 12, nakapagtala ng 35 mga naka recover sa COVID-19 kagabi. 2. Dalawang mga persons of interest, iniimbestigahan kaugnay ng...

NDBC COVID WATCH: BARMM records lowest single day infection

COTABATO CITY - The Minsitry of Health in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao on Monday reported only one case of novel coronavirus disease (...

Dapat tularan: Mlang LGU recognizes lowly worker's honesty

MLANG, North Cotabato – Kusang loob na ibinalik ni Cristano Bacalso alyas “Nonoy” sa may ari ang isang waist pack na naglalaman ng mahigit P80,000...