Nurse killed, husband critically hurt in Maguindanao Norte ambush
Mindanao Armed Conflict • 06:30 AM Sat May 27, 2023
469
By:
Ruffa Mokalid, DXMS Radyo Bida Cotabato
Ang sasakyan ng mga biktima (PNP Photo)
KINILALA ANG MGA biktima na sina Samir Tula Gulam, 35 anyos industrial constructor at misis nitong si Sarifa Kabagani Gulam, nurse sa Sanitarium hospital.
Sila ang mga residente ng San Pablo sa Cotabato City.
Ayon sa report ng Sultan Kudarat PNP sa pangunguna ni Lt. Col. Julhamin Asdani, pauwi sana sa Cotabato City ang mag asawa sakay ng Mitsubishi Montero nang bigla silang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga salarin.
Patay on the spot ang babae, habang kritikal ang kalagayan ng kanyang mister.
Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad pero bigo ang mga ito na matugis ang mga suspect.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa kaso.