Negosyante na nagpapatayo ng car wash, patay sa pamamaril sa Koronadal
Breaking News • 13:30 PM Tue Feb 9, 2021
884
By:
RADYO BIDA KORONADAL
KORONADAL CITY, South Cotabato - Binaril at napatay ng di pa nakikilang mga suspect ang isang negosyante sa Barangay Sta. Cruz bago magtanghali kanina.
Kinilala ang biktima na si Peter Carreon, isang negosyante at taga Barngay Topland, Koronadal City.
Ayon sa ilang mga saksi, binisita ni Carreon ang kaniyang ipinapatayong carwash sa Crossing Diaz, Barangay Sta Cruz mga alas 11:45 ng umaga nang ito ay pagbabarilin ng isa sa dalawang suspect na sakay ng motorsiklo.
Si Carreon ay nasawi on the spot dahil sa tama ng bala sa dibdib.
Inaalam pa ng PNP ang motibo ng pamamaril at kung sino ang may kagagawan nito.