NDBC COVID 19 WATCH: 2 dead, 39 new infections, 28 recover in R-12
DALAWA pang mga pasyente ang nasawi dahil sa coronavirus disease ang naitala ng Department of Health sa Region 12 hanggang kagabi.
Kapwa lalaking senior citizen ang mga nasawi na taga Kidapawan City at Norala South Cotabato. Dahil dito pumalo na sa 152 ang total related deaths ng Covid 19 sa Rehiyon.
Samantala, nadagdagan pa ng 39 na panibagong Covid 19 infection ang Soccsksargen kahapon.
Dalawampu't dalawa sa mga bagong kaso ay taga South Cotabato, anim General Santos City, apat Cotabato City, tatlo Sarangani at tig-dalawa sa North Cotabato at Sultan Kudarat.
Dahil dito abot na sa 4,316 ang kabuoang bilang ng mga nagkakasakit sa rehiyon. Habang umaabot naman sa 3,861 ang total recoveries ng Covid 19 matapos gumaling ang 28 pasyente kahapon.
Sa 28 pasyenteng gumaling, 11 ang taga Cotabato City, 9 General Santos City, 5 South Cotabato at ti-iisa sa North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Bahagya namang tumaas ng hanggang sa 302 ang bilang active cases o mga pasyenteng nagpapagaling pa.