MP Candao: Patuloy na suporta ng nat'l gov't mahalaga sa ikatatagumpay ng peace process
COTABATO CITY - KAILANGAN ang pagpapatuloy ng suporta ng national government sa GPH-MILF peace agreement upang ganap na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Ayon kay Member of Pariament Bai Maleiha B. Candao ang peace agreement ay itinuturing na TRANSFORMATIVE towards the HEALING OF THE BANGSAMORO COMMUNITY.
Aniya, dahan-dahan nang natatamasa na Bangsamoro ang pagbabago bagaman at inamin niyang marami pang dapat gawin ang panig ng pamahalaan sa kasunduan.
“Maaaring hindi lahat ay may kaisang paniniwala tungkol sa pananaw ko subali't napakahalaga ang full support ng government para higit na mapalago ang kapayapaan sa Bangsamoro communities na pinagsisikapang itayo ng Bangsamoro Transitional Authority sa pamumuno ng MILF,” ayon kay MP Candao.
Muli niyang pinasalamatan si P. Duterte sa patuloy na pagsuporta sa BARMM/.