Friday Jun, 09 2023 10:40:27 PM

Lalaki, nakaligtas sa pamamaril; chief of police tinamaan sa pursuit ops pero bullet proof vest lang

Peace and Order • 22:30 PM Sat May 13, 2023
458
By: 
DXMS Radyo Bida Cotabato

SWERTENG nakaligtas sa kamatayan ang isang lalaking dumayo lang sa Cotabato City matapos na pumalya ang baril ng dalawang mga suspek, umaga kanina sa Purok Torion, Poblacion 1 ng lungsod.

Ang biktima ay dumalo lang sa isang family reunion nang tangkang barilin ng mga suspek.

Kinilala ni Police Station 1 Commander Major John Vincent Bravo ang biktima na si Norodin Magindra Manarasal, 56-anyos na taga Labangan, Zamboanga Del Sur Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP station 1 at naabutan ang dalawang mga suspek.

Pero nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis at dahil sa suot na vest ni Major Bravo ay swerteng hindi tumagos ang bala sa kanyang dibdib. Para makatakas, tumalon naman ang mga suspek sa ilog ng Rio Grande de Mindanao.

Patuloy ngayong pinaghahanap ang dalawang mga suspek.

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...