Isa pang kaso ng pamamaril, naganap sa Pikit, North Cotabato
Breaking News • 20:00 PM Tue Oct 4, 2022
473
By:
DXMS RADYO BIDA COTABATO
LATEST SHOOTING INCIDENT sa Pikit, Cotabato:
NAITALA ANG panibagong pamamaril ngayong hapon sa Barangay Poblacion, Pikit, North Cotabato.
Nakilala ang biktima ng pamamaril na si Pahmudin Samsudin Angkatan, 29-anyos, single, na taga ng Barangay Balong. Dinala siya sa ospital matapos umano'y magtamo ng sugat nang barilin ito ng hindi pa kilalang suspek.
Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng Pikit PNP.