Inmate ng SoCot provincial jail na COVID-19 positive, tumakas sa isolation facility
KORONADAL CITY - Kasalukuyan pinaghahanap ng South Cotabato Provincial Jail guards ang isang inmate matapos umano itong tumakas sa isolation facility ng South Cotabato Provincial Hospital.
Kinilala ang pumugang preso na si Regie Grecia, 29 taong gulang na taga Casa Subdivision Block 2, Barangay Zone 3, Koronadal City.
Siya ay may kasong paglabag sa RA 9165.
Sa report na nakarating sa Radyo Bida, nagpositibo sa Covid 19 si Grecia kaya siya dinala sa South Cotabato provincial hospital upang i-isolate.
Nakakita siya ng pagkakataon para tumakas kayat tumalon daw ito sa third floor ng isolation facility at umuwi.
Nakikipagugnayan na sa PNP ang jail authorities at hinilign sa mga magulang nito na siyay isuko upang hindi makapaghawa ng iba dahil sa dala niyang Covid 19 virus.