Thursday Sep, 28 2023 12:41:26 PM

Higit 30 libong pamilya apektado ng baha sa Maguindanao, Lanao provinces

Climate Change/Environment • 08:45 AM Tue Sep 19, 2023
287
By: 
DXMS/Mark Anthony Tayco
Larawan kuna nina Lailanie Dimalenda at PDRRMO MagSur

COTABATO CITY - SAMPUNG mga bayan sa Maguindanao del Sur ang naitalang apektado ng pagbaha matapos ang ilang oras na pag-ulan nitong linggo sa Maguindanao del Sur.

Binaha din ang coastal barangays ng Lanao del Sur, partikular ang Malabang at Balabagan na nakaapekto sa mahigit isang libong pamilya.

Sa panayam kay Maguindanao del Sur PDRRM Officer Ameer Jehad Ambolodto, ang 29,338 na mga pamilyang apektado ay mula sa mga bayan ng Datu Hoffer, Shariff Aguak, Pagalungan, Datu Montawal, Datu Anggal Midtimbang, Pandag, Talayan, Guindulongan, Datu Saudi Ampatuan at Datu Unsay.

Nasa 79 na mga barangay ang apektao ng pagbaha. Sa Shariff Aguak ay rumagasa ang tubig baha na may kasamang putik na mula sa bulubundukin ng Datu Hoffer.

Wala namang naitalang nasawi o nasaktan pero nahirapan ang mga rescuers dahil sa hindi inaasahang malakas na daloy ng tubig na may putik.

Sa ngayon, ang ibang mga nagsilikas na pamilya ang bumalik na sa kanilang mga bahay. Nanawagan naman si Ambolodto sa mga Barangay na i-activate ang Barangay response para tumulong sa pag-rescue at ugaliing makinig sa mga abiso hinggil sa ulat ng panahon.

Sa Balabagan, ang malakas na ulan ay nagresulta sa pagbaha sa palengke at residential areas.

Ganito din ang sitwasyon sa katabing bayan ng Malabang.

 

NDBC BIDA BALITA (Sept. 28, 2023)

HEADLINES 1   99 sa 287 BARANGAYS ng Maguindanao Sur, areas of grave concern; PNP nais ng Comelec control 2   165...

Lalaki patay sa pamamaril sa Sultan sa Barongis, Maguindanao Sur

DEAD ON ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki nang pagbabarilin sa Brgy. Barurao, Sultan Sa Barongis, Maguindanao Del Sur pasado alas 3:00 ng hapon...

Isa pa binaril sa PIkit, ika-5 sa nakalipas na 3 araw

SUGATAN ang isang lalaking bumabiyahe at napadaan lang sa Barangay Takepan, Pikit North Cotbato nitong hapon ng September 27, 2023. Hindi pa...

NDBC BIDA BALITA (Sept. 27, 2023)

HEADLINES 1   PNP-BARMM magtatalaga ng isang libong pulis na magsisilbi bilang electoral board members sa Lanao del Sur matapos...

Reformation center nearing completion in former ASG bastion in Sulu

COTABATO CITY – Former Moro extremists who opted to rejoin the mainstream will soon become productive citizens once they complete skills training...