Friday Jun, 09 2023 10:42:10 PM

Higit 20 katao sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa South Cotabato

Breaking News • 08:45 AM Fri Mar 12, 2021
920
By: 
DXOM-RADYO BIDA KORONADAL
Images courtesy of KB 181

KORONADAL CITY - Mahigit 20 sugatan sa karambola ng apat na mga sasaskyan sa Tupi South Cotabato Naganap ang vehicular crash pasado alas tres ng kahapon sa national highway barangay Crossing Rubber Tupi, South Cotabato.

Ang insidente ay ikinsugat naman ng mahigit dalawampu katao. Ito ay ayon kay South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rolly Doane Aquino.

Ayon kay Aquino na isa sa mga unang nakaresponde sa insidente ang mga sugatan ay agad namang dinala sa Roel Senador Memorial Hospital sa Tupi. Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad na bigla umanong nag-preno ang driver ng jeep na sangkot sa vehicular crash.

Pero dahil sa dulas ng daan kasunod ng malakas na ulan maaring nawalan ng kontrol ang driver nito kaya pumuhit sa kabilang lane ng highway at mabangga ang kasalubong na delivery van na minamaneho ni Lino Paner.

Nadamay din sa insidente kahit na nasa outer lane na ng highway ang isang kotse at motorsiklo. Pero ang karamihan sa mga sugatan ay mga pasahero ng Jeep na pawang mga trabahante ng Dole Philippines na noon ay pauwi na umano sa trabaho.

Sugatan din ang driver ng motorsiklo na kasama sa mga dinala sa ospital

Nakaligtas naman sa insidente ang driver ng truck na si Paner at dalawang pahinante nito pati na ang driver ng nadamay na puting kotse.

Habang ang driver naman ng Jeep ay tumakas matapos ang insidente. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tupi PNP sa naganap na vehicular crash.

May be an image of 1 person and road

May be an image of standing, car and outdoors

2 GROs nabbed for illegal drug use

KABACAN, North Cotabato – Police arrested two women who were caught in the act of sniffing prohibited drugs inside a beerhouse in Barnagay Osias at...

Abrogar welcomes new TESDA director general Mangudadatu, says agency is in good hands

KORONADAL CITY – The new director general of the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-12) has been a strong partner of TESDA-...

Maguindanao del sur teacher hurt in ambush

SUGATAN ANG isang guro matapos tambangan ang kaniyang sasakyan sa bahagi ng Sitio Matalam, Barangay Midtimbang, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao...

Comelec: No more extensions of SOCE filing deadline

MANILA — The Commission on Elections (Comelec) on Wednesday said it will no longer grant extensions on the deadline for the filing of statements...

BARMM governors launch `caucus' as peace, development platform

COTABATO CITY --- Five of the six provincial governors in the Bangsamoro region have agreed to work together for peace and sustainable development...