Grenade attack sa Army-PNP quarantine checkpoint sa Shariff Aguak, kinundina ng 6th ID
Mindanao Armed Conflict • 08:15 AM Fri Jul 3, 2020
947
By:
Nigel Sumanghid/eof
CAMP SIONGCO, MAGUINDANAO - KINUNDINA ng 6th Infantry Division ang naganap na grenade attack sa isang quarantine checkpoint sa Shariff Aguak, Maguindanao kagabi na ikinasawi ng isang CAFGU at ikinasugat ng isa pa.
Kinilala ni 6th ID spokesperson Lt. Colonel DingDong Atilano ang nasawi CAFGU Alon habang ang nasugatan naman ay si CAFGU Moambing.
Sila ay naka duty sa Army-Police quarantine checkpoint malapit sa barangay Labu-Labu 1.
Dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang dumaan at agad na inihagis ang isang granada pagkatapos ay humarorot papuntang Datu Hofer town.