GenSan highway mishap kills 9, hurt 6
SIYAM KATAO NA ANG NASAWI matapos ang madugong banggaan ng mga sasakyan sa national highway ng Barangay Batomelong, Gen. Santos City kahapon.
Ayon sa report ng Traffic Enforcement Unit ng Gen. Santos City, sangkot sa aksidente alas 3:15 ng hapon ang isang Toyota HiAce commuter van, isang Wing Van cargo truck at isang Ford Raptor pick-up truck.
Puno ng pasahero ang passenger van mula Davao patungong Gen. Santos City nang pumutok ang kanang gulong nito sa likuran kayat nawalan ng control ang driver.
Sa bilis ng takbo,lumipat ito sa opposing lane na daanan ng Wing Van kayat nagkaroon ng head on collision.
Nabangga din ng Wing Van ang kulang pula na Ford Raptor pick up vehicle.
Kinilala ng traffic unit ang mga namatay na sina Lalaine Joy Labang, Mylene Donaldo, Carlo Advincula, passenger van driver Noel Podadera, Regie Pag-ong, Ryan Jay Niñez, Alfredo N. Abatayo, Wing Van driver Cesar Andaya at Salvacion Masugbod.
Ang mga sugatan ay nakilalang sina Shiela Bantaculo, Regina L. Gadia, Jerel U. Villaruz, Jeraldine U. Villaruz, at Elbert G. Hayag.