Saturday Apr, 27 2024 09:52:01 AM

DILG acts as caretaker of Magpet after elected officials go on isolation/quarantine

Local News • 10:30 AM Mon Jun 14, 2021
706
By: 
DXND radyo Bida
Magpet Vice Mayor Rogelio Marañon

MAGPET, North Cotabato - Inaantay nalang ngayon ng Municipal Local Government Operations Officer o MLGOO ang official report mula sa Municipal Health office bago uupo bilang caretaker ng Magpet Local Government Unit.

Ito matapos ma-quarantine ang Vice Mayor at mga konsehal dahil may close contact sila sa isang konsehal na kumpirmadong COVID-19 positive habang naka confine naman ang alkalde ng bayan.

Nitong sabado ay uupo na sana si Vice Mayor Marañon bilang acting Mayor pero inabisuhan ito ng Municipal Epedemiology and Surveillance Unit o MESU Magpet na mag quarantine kasama ang kanyang mga konsehal matapos makasalamuha ang isang COVID-19 positive.

Sa panayam ngayong umaga kay Vice Mayor Marañon na nitong June 5 pa nakitaan ng sintomas ang isang konsehal pero nitong lunes ay nakasama pa nila ito sa sesyon.

Sinabi ni Maranon na sasailalim ito sa swab testing at kung ano ang rekomendasyon ng MESU ay tatalima aniya siya.

Dagdag ni Vice Mayor Marañon na may isang konsehal na absent sa kanilang sesyon pero sinabi nitog aantayin rin niya ang report mula sa MHO dahil nagpaabot ng impormasyon ang konsehal na may sintomas din ito ng COVID Virus.

Sinubukan namang kunan ng pahayag ng Radyo Bida ang MLGO Officer na si Ms.Ivy Cervantes pero ang sinabi lang nito na aantayin niya ang report at kumpirmasyon ng MHO sa status ng mga konsehal maging sa Vice Mayor bago i-assume ang posisyong caretaker ng Magpet Local Government Unit.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...