Dengue cases up in BARMM, alarms health exec
HEALTH • 16:45 PM Wed Jun 29, 2022
740
By:
DXMS Radyo Bida Cotabato
IKINABAHALA NA ng Ministry of Health o MOH BARMM ang dami ng kaso ng dengue sa rehiyon na lampas na sa epidemic threshold gayung nasa kalagitnaan pa lamang ng taon.
Sa panayam ng DXMS Radyo Bida kay BARMM Health Minister Dr. Zul Qarneyn Abas, sinabi nito na mula sa 270 dengue cases noong 2021, umakyat na ito ngayon sa 966 batay sa data ng MOH mula January hanggang June 2022.
Batay rin sa latest data ng MOH, nasa 11 katao na ang binawian ng buhay dahil sa naturang virus. Nabatid na zero fatality noong nakaraang taon.
Sinabi ni Abas na Maguindanao at Lanao del Sur ang may mataas na kaso ng dengue.
Kaya muli nitong hinikayat ang publiko na sundin ang 4S at iba pang mga pamamaraan upang maiwasan ang pag-akyat ng kaso ng dengue sa buong rehiyon.