Tuesday Jul, 16 2024 11:19:01 PM

Damaged crops sa Tulunan, North Cotabato, abot na P183-M

AGRICULTURE • 09:30 AM Tue Feb 23, 2021
1
By: 
NDBC NCA DXND

TULUNAN, North Cotabato - Tumaas pa sa P183, 914, 287.00 pesos ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura sa Tulunan, North Cotabato batay sa pinakahuling damage assessment report ng Municipal Agriculture Office o MAO ng bayan.

Sa ulat ng MAO, P183,501,050-million ang pinsala sa mga palayan, P286, 380 pesos sa mga maisan at P126, 857 sa ang pinsala sa mga banana plantation.

Nabatid na nasa labinlimang mga barangay sa bayan ang lubhang apektado ang palayan dahil sa tumamang malalakas na pag-ulan, siyam na mga barangay ang may taniman ng saging ang apektado habang isang barangay ang may pinsala sa taniman ng mga mais.

Sa pinakahuling damage report din ng MAO, nasa 1,616 na mga magsasaka sa bayan ang apektado.

Kaugnay nito, nakatakdang magpulong ngayong araw ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council o LDRRMC upang irekomenda ang pagdedeklara ng state of calamity sa Sangguniang Bayan upang maipasa sa kanilang session sa darating na Huebes.

Basehan ng pagdedeklara ng state of calamity ay ang 30% damage sa kabuuang ektarya ng mga produktong pang agrikultura sa bayan.

Sa ngayon kasi, higit apatnapong porsyento ng mga palayan, maisan at sagingan sa bayan ang apektado matapos manalasa ang malakas na hangin.

9 na kababaihan pasok sa Top 10 Shari'ah bar exam passers

With an 86.75% score, Nurhaifah Hadji Said Punginagina is ranked first in the Top 10 in the 2024 Shari'ah Bar Examinations. Supreme Court...

Maguindanao Sur now under state of calamity due to massive floods 

COTABATO CITY  – The Maguindanao del Sur provincial board approved has approved this afternoon a resolution putting the entire province under...

PRO-12 sends augmentation force for Tnalak in SoCot

GEN. SANTOS CITY - Brig. Gen. Percival Augustus Placer, PRPO-12 regional director, spearheaded on Monday the send-off ceremony of the 106 police...

PDEA-12 agents arrest couple together operating drug den

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P91,800 worth of shabu from a couple operating a drug den in Barangay Cabaruyan in Libungan, North...

Badminton player from Lanao Sur brings gold for BARMM in Palaro 2024

Jamal Rahmat Pandi of Lanao del Sur I has brought honor to the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) by winning another gold medal...