DA-12 employee dies in Tantangan highway mishap
Empleyado ng DA patay matapos sumalpok sa kasalubong na pick-up sa Tantangan
TANTANGAN, South Cotabato- Patay matapos maaksidente sa daan ang driver ng motorsiklo alas 6:28 kagabi, March 20, 2023 sa Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ng Tantangan PNP ang biktima na si Vivencio Beljot Jr., 50 anyos, empleyado ng Department of Agriculture Regional Office 12 at residente ng Barangay Tina, Tacurong City, Sultan Kudarat.
Ang biktimang si Beljot ay papunta sana sa direksyon ng Tacurong na idineklarang dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ito'y matapos maka-head on collision ng kanyang minamanehong motor ang kasalubong na pick-up sa national highway.
Nagtamo si Beljot ng Serious Physical Injuries na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Kinilala naman ang driver ng pick-up na naka head on collision ng motor na si Rodolfo Villanueva Jr., 36 anyos, at residente ng Brgy. Palkan, Polomolok, South Cotabato.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tantangan PNP sa nangyaring vehicular crash.