Thursday Oct, 06 2022 06:31:38 PM

Army soldier, 3 Dawlah Islamiyah slain in Lanao Sur skirmishes

Mindanao Armed Conflict • 09:15 AM Wed Mar 2, 2022
424
By: 
DXMS Radyo Bida
Ilang mga civilian ng Maguing, Lanao del Sur, lumikas kasunod ng military operation.

COTABATO CITY - TATLONG MGA TERORISTA ang napatay habang isang sundalo rin ang nasawi sa military focused operation sa Maguing, Lanao del Sur kahapon ng madaling araw.

Ang labanan ay naganap sa Barangay Ilalag, Maguing at target ng operation ang Dawlah Islamiyah Maute terrorist group leader na si Abu Zacharia, ayon sa report mula sa tanggapan ni BARMM police regional director Brig. Gen. Arthur Cabalona.

Sa dami ng mga bandido na nagtitipon sa naturang lugar, kinailangan ng military na gumamit ng air assets nito upang bombahin ang kinaroroonan ng mga terorista.

Sa report ng 103rd Infantry Brigade, ang mga labi ng tatlong bandidong napatay ay na-recover sa encounter site.

Bukod sa isang babaeng sundalo na nasawi, sugatan din ang apat na iba pang kasamahan nito.

Naka-recover naman ang Army ng dalawang cal. 50 machinegun, isang cal. 30 machine gun, mga Armalite, AK 47 rifles at Garand rifles, mga rocket propelled grenades, 22 mga improvised bombs, mga bala at personal na gamit ng mga bandido.

Ayon kay Cabalona, nagpapatuloy pa ang military operation.

Mahigit 800 pamilya naman ang lumikas sa mga kalapit lugar sa takot na madamay. Agad na tumugon ang MSSD-BARMM at nagpadala ng emergency response team.

2 women slain in yet another gun attack in Pikit

PIKIT, North Cotabato – Three women were the latest victims of violence here and two of them did not survive in the daylight gun attack Thursday....

Soldier killed in accidental pistol fire

SULTAN KUDARAT, Maguindanao - A soldier accidentally killed himself with his pistol he was cleaning inside their quarters in a brigade camp here...

NDRRMC Do's and dont's during disasters

These are the do’s and don’t if there is a reported typhoon that will enter PAR.

Cotabato Light tips: Close doors, windows when aircon is on

Energy Saving Tips: It is highly recommended that you close all windows and doors when the air conditioner is turned on. This will keep the cool air...

2 naglalabang pamilya sa Midsayap, nagkasundo na,mga bakwet pwede na umuwi

MATAPOS ANG ISANG PEACE dialogue na pinangunahan ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan, AFP at PNP, pati na ng ceasefire panel ng GPH at MILF, nagkasundo...