Saturday Apr, 27 2024 06:30:29 AM

9-month old baby, nakalunok ng push pin sa Kidapawan City

Breaking News • 15:15 PM Tue Sep 28, 2021
1
By: 
DXND radyo Bida

KIDAPAWAN CITY -  Kinakailangan maoperahan ang isang nine-month old baby sa Kidapawan City matapos nitong makalunok ng push pin.

Ayon sa nanay, umoorder lang sila sa isang milkteashop nang hindi nito namalayang nakuha pala ng kanyang baby ang push pin sa naturang shop.

Mabilisan pang kinuha ng nanay ang push pin sa bibig ng bata subalit nalunok na niya ito.

Sa ngayon masigla naman anya ang kanyang baby pero napansin niyang bloated ang tiyan nito kaya minabuti nilang ipa X-ray at lumalabas na kinakailangan na maoperahan ng baby dahil 1% lang anya ang tsansiyang lumabas ito sa labasan ng dumi ng bata.

Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya ng bata na nangangailangan ng P50,000-P100,000 para sa pagpapagamot at operasyon.

Ayon naman kay Dr. Edwin Mudanza, isang surgeon sa lungsod, na pwede naman anyang hindi na operahan at obserbahan lang ang bata hanggang maibawas nito ang pin; subalit maselan anya ito sa kondisyon ng baby dahil maaring mas bumaon pa lalo ang karayum kapag magalaw ito.

Sa nais na magpaabot ng tulong, makipagugnayan lang kay Angel Mae Denaguit sa numerong 0967-001-5574.

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...